Monday, November 12, 2018

The Very Last


Oy,

Di naman ito sobrang seryoso, mas lalo kasi kung igoogle-translate nyo ito bka wla kyung masyadong maiintindihan, ang layunin ko sa pagsusulat nito ay dahil may humingi sa akin, (ang tatay ko kasi.) Kaya masaya ako na ipakita sinyo na natuto ako ng wika ng Tagalog habang dito ako sa pilipinas.

Ang inis ng mga pulang linya! naka-underline ang lahat kasi akala ng kompyuter na di pwede ang mga ganitong salita.

Sa misyon ko napakarami ng natutunan ko dito. ang dami kong kilala na mababait na tao. Gusto ko talaga dito sa pilipinas. kinakabahan akong umuwi, kahit na dati pa alam na alam ko na darating ang araw na ito, ang daming pagbabago paguwi ko. 

Mahal ko ang mga tao d2 sa pilipinas at naiintindihan ko na sila, marami talaga clang mga pagsubok na di naiintindihan ng karaniwang dayuhang tao. Nagpapasalamat ako sa pagkakataon ko dito sa misyon, mahal ko ang pangulo ng misyong si president Hughes at marami siyang nagawa para sa akin, marami siyang naituro sakin. 

Mamimiss ko ang mission, nakakalungkot ang paguwi ko, pero masaya din kasi may pagkakataon na naman para magrow at para paunlarin ang aking sarili. daming suliranin at pagsubok na maencounter ko dyan ng'unit sa tingin ko handang handa ako eh at sana marami ding magaganda...ng pagasa... na pagkakataon... Diba?. 

Sa Wika na naman syempre nasabi ko naman sinyo lahat na may sinulat akong aklat tungkol sa kung paano matuto ng Tagalog, kaya wala naman akong kailangang ipatunay kahit kanino tungkol sa pagkatuto ko nayan eh. Masaya lang ako kasi gustong gusto ko ang wikang ito. Sana marami akong makikilalang pilipino para makapagTagalog ako ulit.

Sana Paguwi ko makita ko kayong lahat at magsaya tayo. Uwi na ako na may dangal (Edi wow Malalim)



Pasensya na medyo maikli lang ito di nyo ata maiintindihan kaya ayos lang un eh.

Sa totoo lang pagkatapos kong magsulat nito nagpasalin ako nito sa google translate at medyo magaling talaga yung google. 

Mahal ko kayo.
Elder Faulkner

2 comments: